Chii’s ONE OK ROCK Journey

139 Views 0 Comment

Konnichasssuu!!

So boys and girls, someone has been fueling your PCD and her name starts with ‘M’ and ends with an ‘I’ hahahahaha! Well, I must say I dont think anyone can easily recover from ONE OK ROCK Live in Manila especially as everyone has been calling for Part 2 already.

While that might not be for a while, lets slowly relive the moments yes? For today’s Fans on ONE OK ROCK Live in Manila: The Post Event Experience, I will feature this answer by Chii! It is a bit long but this is her entire story.

If you guys would like me to translate this, let me know. I thought against translating this because her feelings are just so enmeshed so its hard to detach that to this šŸ™‚ Though some bits are removed as it was already addressed by admins ^^

==============

ONE OK ROCK 35XXXV Asia Tour: My Journey, My Dream.

01/19/16. Ang petsang inaantay ko mula pa ng i-announce na mag-co-concert ang ONE OK ROCK dito sa Ph. Gustuhin ko man yung Pulp Royalty, hindi kaya ng budget. Nagpunta ako ng SMR ng halos 11am. VIP 1 or 2 ang target ko pero naubusan eh kaya VIP 3 ang nakuha ko. Di ko in-expect na ganun kabilis maubos yung Ticket.

12/06/12. Naka-sched na manuod ako ng Rurouni Kenshin Live Action. Nasundan ko din kasi siya dati kahit sa TV lang (Studio 23) saka yung iba sa net kaya kahit paano alam ko yung story. Late ako ng 5 minutes pero bumili pa rin ako ng ticket at nagmadali na sa loob ng sinehan. Natapos ang palabas at handa na akong tumayo ng biglang tumugtog ang ending song ng movie…”Just give me a reason to keep my heart beating…..”. Napaupo ulit ako at tinapos ang buong kanta. Natatawa nga ako kasi halos wala ng tao sa sinehan pero andun pa rin ako.

Mahilig ako sa Anime at Anisong pero wala talaga akong nakakausap about dun dahil iba ang trip ng mga kakilala ko. Nalulungkot ako minsan kasi nararamdaman kong nag-iisa lang ako pero nung nakilala ko ang ONE OK ROCK, nag-iba ang lahat.

Pagkatapos ng RuroKen, sinearch ko agad sila mula sa simula. Namangha ako kay Toru dahil sa dedikasyon niya sa napili nyang propesyon at determinasyon na maging bokalista ng bandang binubuo niya si Taka at alam niya ang ginagawa niya. Hanga ako sa kababaang loob ni Ryota at sa determinasyon nyang matuto ng bass para sa banda at sa sarili niya. Hanga ako sa kakayahan ni Tomoya at sa dedikasyon niya sa napili niyang buhay. At kay Taka, na kahit maraming pinagdaanan ay nalampasan ang lahat ng iyon at unti-unting tinutulad ang pangarap ng kanyang puso.

Bawat araw na nagdaan, walang ni isang araw na hindi ako nakikinig sa music nila. Halos isulat ko ang mga kanta nila sa notebook ko. Unti-unti ko silang nakilala sa pamamagitan ng kanilang mga kanta, ang bawat istorya ng kanilang buhay. Naging parte na sila ng buhay ko sa loob ng 3 taon at dahil halos magkaka-edad kami, feeling ko kasama ko sila sa paglalakbay sa buhay.

Sa totoo lang, makakalimutin ako kaya laging nasa tabi ko yung notebook ko oara may mga nakakalimutan akong lyric or important details sa kanila, nalalaman ko agad.

08/20/14 at 09/21/14. Inabangan ko ang lahat ng RuroKen hindi lang dahil sa story at kay Takeru Satoh pero dahil sa ONE OK ROCK. Gusto ko silang suportahan sa kahit anong paraan.

Kapag nasa trabaho ako, pinaparinig ko sa kanila minsan ang music ng OOR para kahit paano napo-promote ko sila. Natatawa nga kasi pag may nakakapansin sa baller ko o kaya yung nakasabit sa id ko na “ONE OK ROCK”. Na-cu-curious sila at nagtatanong. Syempre ako todo paliwang at kwento lalo na pag na-co-confuse sila kung paano babasahin ang “ONE OK ROCK”. Lagi kong sinasabi na ang bas dun is “1 O’Clock” tapos yun, kwento na ako kung bakit “ONE OK ROCK” ang name ng band.

Nung bumili palang ako ng ticket, tuwang-tuwa na ako. Maraming nagsabi na ang mahal daw, yung iba naman is okay lang kasi alam nila na matagal ko tong hinintay.

Akala ko 2015 sila dadating dito. Na-excite ako at isa sa mga sumagot ng survey. Nalungkot ako nung hindi pala possible ng 2015 pero naghintay ako at nitong 2016, natupad ang pangarap ko.

01/19/16
Magha-half day dapat ako sa trabaho pero late na ako nakapag-file kaya halos 2pm na rin ako nakabyahe papunta ng MOA Arena dahil umuwi pa ako. Gabi palang hinanda ko na lahat ng mga gagamitin ko sa araw ng concert.
Halos 4pm na ako nakarating ng MOA at halos 3 hours sa pila. Alam ko na yung iba is halos 12 hours ang pinila kaya hanga ako sa inyo.

Kahit ang tagal nilang nagpapasok okay lang at matagal ding nanghintay sa loob, hindi ko yun ininda. Ito na eh! Ang pangarap ko ay matutupad na sa wakas.

Habang unti-unting pumapasok ang mga tao, kinakabahan ako. Yung pakiramdam na halos lumabas amg puso sa dibdib. Kinakabahan ako dahil baka hindi mapuno at hindi na sila bumalik. Alam ko na sanay sila sa jam-packed na venue lagi. Pero nagkamali ako. Pagkalipas ng ilan pang minuto, napuno ang buong Arena. Hindi ko alam kung sold out pero puno eh! Nabuhayan ako. Alam kong may magandang mangyayari.

Lumabas na sila pagkalipas ng ilang oras na paghihintay. Yun yung moment na i-te-treasure ko buong buhay ko, ang una naming pagkikita kahit hindi nila ako kilala.

Take me to the top ang unang song. Dun palang alam kong magiging makabuluhan ang gabing yun.

Talon kung talon. Kaway kung kaway. Wala na akong pake kahit maapakan o makatapak ako. Tulak kung tukak. Yun ang pinakamasayang parte, ang makipagsabayan sa kanila.

Sa totoo lang, pangarap kong marinig ang Wherever you are ng live at hindi ako nabigo. Halos maluha ako kasi yun talaga yung kantang nagpapatibok ng puso ko sa araw-araw.

Pero masaya ako sa lahat ng na-experience ko. Nakita ko sila at naexperience ang live performance nila, at higit sa lahat, naramdaman ko ang pagmamahal nila sa musika nila.

Hinding-hindi ko makakalimutan ang live na growl in Toru, ang pagsasabi ni Tomoya ng “Mahal Kita”, ang ngiti ni Ryota at ang pagpuri ni Taka sa atin.

Magdiwang tayo sa pangyayaring ito. Babalik sila at pag dumating ang araw na yun, sana makadaupang-palad ko sila.. smile emoticon

*Hindi ko po masasabi na hardcore fan ako kasi alam ko sa sarili ko na marami pa akong kailangang malaman about sa kanila. Kaya sa mga Hardcore fan jan….kudos! Salamat sa suporta!

Sa Admin ng POOR, sa mga Producers, sa mga taong naghirap at nagsakriposyo para matupad ang tila suntok sa buwan na concert na to, SALAMAT PO!

———

ONE OK ROCK: The 2016 ’35XXXV’ Asia Tour: Live in Manila was brought to us by PULP Live World, 28 Black and Amuse Asia Inc. Event partners also include Monster Radio RX 93.1, MYX, The Philippine Star, Inquirer.net, Animax, Otaku Asia Magazine, Primer, Astroplus, Odyssey Music Video, Pulp Magazine, G/ST and SM Mall of Asia Arena.

For more details regarding this event, visit either http://pulpliveworld.com/shows/2016/one-ok-rock

or

https://www.facebook.com/events/964161710306885/

Lol, these stories are getting better and better. I wonder if I should start asking others from other areas…

We will see.

sign2

0 Comments

Leave a Comment